Happy 250th anniversary PHLPost!

HELLO, Bulgarians! Makulay na programa at pagtatanghal ang ginanap sa makasaysayang gusali ng Philippine Postal Corporation (PHLPost) sa Maynila sa ika-250 anibersaryo ng Philippine Postal System na naitatag noong 1767 noong panahon ng Kastila.

Inilunsad din ng PHLPost ang 250 years commemorative stamps, presentasyon ng mga inaabangang selyo sa darating na 2018, pagbibigay-parangal sa mga natatanging kliyenteng patuloy na tumatangkilik sa PHLPost, mga stamp collector at parangal sa mahuhusay na kawani ng koreo.

1

Bahagi rin ng selebrasyon ang isang makulay na pagtatanghal sa harapan ng makasaysayang gusali ng PHLPost sa Liwasang Bonifacio, Manila.

Nagbigay din ng mensahe ang Lungsod ng Maynila sa pamamagitan ni Vice-Mayor Honey Lacuna. Tanyag sa naturang siyudad ang mga makasaysayang gusali at landmark na dinarayo ng mga turista kasama ang magandang gusali ng post office.

Isang commemorative stamp ang inilabas ng PHLPost tampok ang ebolusyon ng serbisyo ng koreo o komunikasyong postal sa Pilipinas mula sa Galleon trade, mga nakakabayong kartero o Badageros, train, bisikleta hanggang sa modernong mail delivery vans.

2

Ayon kay Postmaster General Joel Otarra, ipinagdiriwang ng mga opisyal at kawani ang ika-250 taon sa kasaysayan ng PHLPost katulad ng mahabang taon ng pagbibigay ng mahusay na serbisyo sa publiko sa pamamagitan ng mga magigiting na kawani at kartero na matiyaga pa ring naghahatid ng sulat, umulan man o umaraw.

Kahit na hindi na gaanong napapansin ngayon at naapektuhan ng sobra dahil sa umuusbong na teknolohiya ay nananatili pa ring matatag at naglilingkod sa lahat ang PHLPost sa pamamagitan ng paghahatid ng mga sulat at pakete galing sa kanilang mga mahal sa buhay na nasa ibang bansa, corporate at government mail clients, e-commerce at money remittances.

Abangan natin ang mga susunod pa nitong proyekto tulad ng paglalagay ng mga one stop shop “government centers” sa mga post office sa malalayong lugar para mas madali sa ating mga mamamayan ang makapagpadala at makakuha ng NBI clearance, passport applications, NSO at PhilHealth.

***

Mga katsika, abangan n’yo ang mga picture natin sa Instagram, i-follow n’yo ako -@missbulgarific o i-like ang aking Facebook page – https://www.facebook.com/Missbulgarific

xxx

For event invitations, please, email bulgarific@gmail.com at bulgarific@bulgar.com.ph

Got to go! It’s so Bulgarific!

XOXO

Advertisements

DSC_1506

HELLO, Bulgarians! Tayong mga millennial, nakagisnan na natin ang pagpapadala ng sulat via email o online mailing pero dati hanggang ngayon ay ginagamit pa rin ang mail kung saan kailangan ng stamp para maipadala sa gusto nating padalhan. Karamihan sa ating mga magulang o sa ating mga ate at kuya ang nangongolekta nito dahil, ‘ika nga nila, ‘pag nakikita nila ang mga stamp o selyo ay parang nakalibot na rin sila sa buong mundo.

DSC_1467DSC_1470

Kaya naman noong November  4-6, 2017 ay nagkaroon ng ASEAN Invitational Philtelic Exhibition (ASEANPEx) kasama ang Philippine Postal Corporation (PHLPost) sa SMX Convention Center Mall of Asia sa Pasay City. Bukas ito sa publiko kaya naman pinuntahan ito ng mga estudyante, guro at marami pang iba.

DSC_1524.JPGDSC_1512DSC_1514

Una itong ginanap sa Pilipinas noong 1996 at ngayon lang ulit ginanap sa ating bansa dahil bukod sa pagbisita ng mga pinuno ngayong November sa gaganaping ASEAN Summit ay ipinagmamalaki rin ng ating bansa ang mga iba’t ibang koleksiyon  ng mga selyo  na noon lamang unang ipinakita sa publiko.

Ipinakita rin dito ang mga nagbigay ng parangal sa ating bansa tulad nina Pambansang Kamao Manny Pacquiao, Olympic silver medalists Hidilyn Diaz at Mansueto “Onyok” Velasco, Jr., beauty queens  Megan Lynne  Young, Gloria Diaz, Margie Moran at Pia Alonzo Wurtzbach at karamihan sa kanila ay bumisita sa exhibit. Maglalabas din ang PHLPost ng ‘ebolusyon ng Philippine Jeepney “ at limited edition na ASEANPex commemorative stamp tampok ang logo ng ASEAN 50th Anniversary at kasabay na rin ng 250th anniversary ng unang post office sa bansa.

Hindi lang ‘yan, nagkaroon din ng Cosplay Competition ang PHLPost  na open din sa lahat. Layunin ng event na ito na hikayatin ang lahat ng kabataan na tangkilikin ang philately.

***

Ginanap din sa ating bansa ang 24th ASEAN Postal Business Meeting (ASEANPOST) noong November 6-7 sa temang Partnership for Change, Engaging the World through Post. Ito ay sa pangunguna nina Postmaster General Joel Otarra ng PHLPost at Pos Malaysia Berhad Group Chief Executive Officer Mr. Mohd Shukrie Mohd Salleh.

DSC_1422DSC_1430DSC_1442

Nagsama-sama sa event na ito ang mga ASEAN postal operator ng Indonesia, Malaysia, Philippines, Singapore, Thailand, Brunei, Laos, Myanmar, Cambodia at Vietnam.

Ito ay nagsimula noong 1992 na exclusive sa postal administration na kabilang sa ASEAN country na may layuning pagtibayin ang kolaborasyon ng bawat kasapi nito sa postal sector. Pinag-usapan din nito ang tungkol sa e-commerce, trade facilitation for micro, small and medium entrepreneurs at postal supply chain at security.

***

Mga katsika, abangan n’yo ang mga picture natin sa Instagram, i-follow n’yo ako -@missbulgarific o i-like ang aking Facebook page – https://www.facebook.com/Missbulgarific

xxx

For event invitations, please, email bulgarific@gmail.com at bulgarific@bulgar.com.ph

Got to go! It’s so Bulgarific!

XOXO

Bigatin sa Milyon, Bigatin sa Tibay Raffle Promo, extended hanggang November 17, 2017!

HELLO Bulgarians! Halos 1,000 mgs. o 1-gram ng calcium ang kailangan ng katawan natin, araw-araw. Kaya importanteng uminom ng gatas para mas lalo pang mapatibay ang ating mga buto at ngipin. Sagot na ‘yan ng leading milk sa ating bansa, ang Bear Brand kung saan sa bawat baso ng gatas everyday ay mapananatili nitong matibay at malusog ang ating katawan.

Hindi lang ‘yan ang sagot ng Bear Brand dahil ang kanilang Bigatin sa Milyon, Bigatin sa Tibay Raffle Promo ay extended hanggang November 17, 2017! Hindi kayo namamalikmata mga katsika dahil maaari pang makahabol at manalo ng limpak-limpak na prizes na hatid ng Bear Brand!

BB 20M Raffle Promo Poster extended-01Per DOH-FDA CFRR Permit No. 0991 s. 2017. The participating BEAR BRAND® products are not suitable for infant feeding and are not breastmilk substitutes.

Paano sumali? Isulat lamang ang inyong pangalan, edad, address, contact number at signature sa isang papel at ilagay sa envelope kasama ang empty packs ng Bear Brand Fortified Powdered Milk Drink products na may expiration date na March 2018 onwards.

Kung ang gagamitin sa entry ang Bear Brand YOGU, siguraduhin na gupitin ang magkabilang gilid kasama ang bar code at ‘pag sterilized full cream milk naman, ang tuktok ng box kasama ang nakasulat na proof of purchase ang isama sa envelope.

Sa likod ng envelope, isulat ang promo title, ang pack o label para sa proof of purchase at ang size nito (i.e. BEAR BRAND Bigatin sa Milyon, Bigatin sa Tibay Raffle Promo, BEAR BRAND Fortified Powdered Milk Drink 33g).

Screen Shot 2017-11-09 at 4.21.35 PM

Maaaring ihulog ang inyong entry sa mga participating MBC Radio Station, RMN Radio Station, Radyo De Oro Corporation (para sa Mindanao). May dropbox din sa ACE Promotion offices at ilang leading participating supermarket at grocery, nationwide.

Halos Php20 milyon ang ipamimigay ng Bear Brand at maaari ka ring maging isa sa lucky winner ng Php100,000 at Php1 million cash! Maaari ka ring manalo ng Php1,000 sa weekly draw na ginaganap sa participating radio station, nationwide. Ang last weekly draw ay gaganapin sa November 18, 2017 at ang grand draw ay gaganapin sa Star City Complex, Roxas Boulevard sa Pasay City sa December 4, 2017.

Para sa iba pang detalye, maaaring bisitahin ang kanilang Facebook page sa www.facebook.com/notes/bear-brand-powdered-milk-drink/bear-brand-bigatin-sa-milyon-bigatin-sa-tibay-raffle-promo/820815208086627/.

 

***

Mga katsika, abangan n’yo ang mga picture natin sa Instagram, i-follow n’yo ako -@missbulgarific o i-like ang aking Facebook page – https://www.facebook.com/Missbulgarific

xxx

For event invitations, please, email bulgarific@gmail.com at bulgarific@bulgar.com.ph

Got to go! It’s so Bulgarific!

XOXO